Monday, May 22, 2017

Asia-link Sketchwalk in Bangkok in 2016 ni Randy Valiente


Isang malaking sketching event ang ginanap sa Thailand nitong nakaraang November 24-27. Ang programa ay tinawag na Asialink Sketchwalk Bangkok 2016 kung saan 12 bansa sa ASEAN at Asya ang lumusob sa Bangkok upang magsagawa ng on-the-spot sketching sa loob ng apat na araw. Binuo ng 350 participants ang pagtitipon mula sa Thailand, Myanmar, Malaysia, Singapore, Vietnam, Indonesia, Pilipinas, Japan, China, at ilang bisita galing sa US at Europa.

Ang programa ay inorganisa ng mga grupong Bangkok Sketchers at Urban Sketchers-Bangkok kung saan ito na ang pangatlong pinakamalaking sketching event hindi lamang sa Asean region kundi na rin sa buong Asya. Ang nauna ay ang Penang Sketchwalk na ginawa sa Malaysia at Singapore Sketchwalk na ginawa nang nakaraang taon.

Limang participants galing sa Pilipinas ang nakasama na mga aktibong members ng Urban Sketchers-Manila, sila ay sina Nice Rodriguez, Meg Roxas, Dindin Cruz, Solo Galura, Karol Ann Antonio, at ang inyong lingkod. Dahil napakarami ng kasali galing sa iba-ibang bansa ay hinati sa 12 na grupo ang mga kasama, pianghiwa-hiwalay ang mga magkakalahi para maging daan na rin upang magkapalagayan ng loob ang bawat isa.

Sa loob ng apat na araw ay nilibot ng grupo ang mga main tourist spots ng Bangkok at dinrowing ito isa-isa. At siyempre, sa unang araw pa lang ay una na nilang pinuntahan ang Grand Palace kung saan nagbigay sila ng respeto sa hari ng Thailand na si King Bhumibol Adulyadej na namayapa kamakailan lamang.

Bakit sketching? Ito ang reaksyon ng mga artist at hobbyist sa mabilis na takbo ng buhay lalo na sa kasalukuyan na lahat ay kontrolado na ng computer. Tayo ay nabubuhay sa digital age kung saan isang pindot mo lamang sa camera ay makukuha mo na ang lugar na iyong napuntahan, ang iyong kinakain, ang larawan ng mga nakikilala mong tao. Sa pamamagitan ng sketching, napapabagal mo ang takbo ng oras at mas lalo mong naa-appreciate ang bawat sandali dahil habang dinu-drawing mo ang isang lugar, o bagay, ay mas natititigan mo ito ng husto. Nadidiskubre mo ang ilang detalye na hindi mo napapansin kung kukunan mo lamang ito ng camera.

Sa katunayan, ilang members ng Urban Sketchers-Philippines ang nagsabi na mula nang sumama sila sa grupo at nagsimula silang mag-sketch ng lugar na kanilang tinitirhan, dinadaanan at pinupuntahan, ay marami silang nakikita na hindi nila gaanong napapansin noon.

Nito lamang mga nakaraang taon nang mabalitang gigibain na ang gusali ng El Hogar sa Manila ay nagkasundo ang mga sketchers na pumunta sa harap ng lumang gusali at i-drawing at ipinta ito bago pa man ito ipagiba ng gobyerno. Ngunit dahil kumalat ang mga drawings at sketches sa social media at sinamahan pa ng mga captions na dapat i-preserve ang mga historical structures, gaya ng El Hogar, ay narito at nakatayo pa rin ito.

Dangan nga lang ay mukhang hindi pa gaanong aware ang lipunang Pilipino sa mga ganitong pagdu-drawing outdoors, na tinatawag na sketchwalk, dahil nang minsang magsagawa naman ng sketching session ang Urban Sketchers-Manila sa Farmers Market sa Cubao ay pinahinto sila at pinapakunan pa ng permit. Siguro, isyu ito ng seguridad para sa pamunuan ng Farmers, ngunit para sa mga artist, matagal na itong gawain ng mga alagad ng sining simula pa nang panahon nina Michealangelo at Da Vinci kung saan talagang lumalabas ang mga artist para magpinta. Sa mga bansa sa Europa, natural na tanawin ito kung saan makakakita ka ng mga artist at pintor na nakakalat lang kung saan-saan para i-capture ang kagandahan ng paligid. Isa rin ito sa adbokasiya ng grupo kung saan dapat matutong mag-appreciate ang Pilipino sa ganda, hindi lamang ng sining, kundi ng paligid na kanilang ginagalawan.

Ang samahang Urban Sketchers ay international organization at halos lahat ng bansa sa mundo ay mayroong counterpart nito. Sa Pilipinas, bukod sa Manila group, ay mayroon na ring sketchers sa Ilocos, Baguio, Cebu, at Capiz.

Sa huling araw ng malaking sketchwalk na ginanap sa Bangkok ay nagbigay ng kani-kanilang presentation ang bawat bansa. Isa sa magandang nagsalita ay ang representative mula sa China kung saan sinabi niya na dahil limitado ang social media sa China na nakakasagap ng impormasyon mula sa ibang bansa, naging malaking daan ang Urban Sketchers upang maging bukas ang ilang tao sa kanila sa mga kaganapang gaya nito. Ang grupo naman ng mga Pilipino ay nagpakita ng kultura ng papalapit na Pasko sa Pilipinas kung saan maaga itong nagsisimula, puno ng ilaw ang paligid hindi lamang hanggang sa Pasko kundi umaabot pa ng Enero. Ang presentation naman ng Thailand ay ang buhay ng kanilang hari kung saan halos lahat ng tao na nasa bulwagan ay tumulo ng luha. Nagkaroon din ng exhibitions ang lahat ng kasama at idinespley sa bulwagan ng C Asean building.
Sa 2017 ay naka-schedule na ang dalawang malaking event ng sketching sa Asya at ito ay gagawin sa Beijing, China at Bandung, Indonesia. Isa ring malaking pagtitipon ng Urban Sketchers World ang gagawin sa Chicago USA sa kalagitnaan ng taon.

Sa kabuuan, ang event na ito ay napakalaking tagumpay ang inani, hindi lamang sa mga artists na naging magkakaibigan, kundi sa magandang samahan ng mga Asean at Asian countries. Ayon nga sa organizer sa huli niyang pananalita, ‘At the end of the day, it’s not about drawing, it’s about people.’

Sketchwalk 1: Pom Mahakan community na iginuhit ni Randy Valiente mula sa day 2 ng event.

Sketchwalk 2: Ikaapat na araw na ginanap sa C Asean building sa Bangkok kung saan nagtipun-tipon ang 12 grupo para sa presentation ng bawat bansa. Kuhang larawan ni Tungtong Singapore.

Sketchwalk 3: Ang mga Pilipino representatives habang umaawit ng karoling sa harap ng audience.




Sketchwalk 4: Mga members ng Urban Sketchers galing sa iba’t ibang bansa habang nagpapakuha ng larawan sa gitna ng Wat Saket sa Bangkok.



Sketchwalk 5: Ang mga Pilipino participants sa harap ng Giant Swing sa Bangkok.

Sketchwalk 6: Ilang representatives na mula sa Asean.



Sketchwalk 7: Si Randy Valiente habang hawak ang kanyang sketch sa harap ng Wat Ratchanada, Bangkok

Sketchwalk 8: Day 2 ng sketchwalk



Sketchwalk 9: Inilalatag ng bawat grupo ang kanilang mga obra upang makunan ng larawan

Sketchwalk 10: Parang isang malaking artist invasion ang nangyari
kung saan nakakalat sa lahat ng sulok ang mga sketchers.





Sunday, March 19, 2017

March 2017 Sketch Walk - Paco Fire Station and the Mortuary Park

March is Fire Prevention Month in the Philippines. So, we thought visiting the Paco fire station would fit the bill for this sketch walk. It's one of the 4 original modern fire stations in the early 1900s, and it's still standing. Unfortunately, it's still in need of rehabilitation. The rusted front roof gutter dangles, and some windows have broken glass.

The Paco fire station today

The station has not changed much, except the widening of the left and right entrances for the fire trucks - they have gotten bigger after decades. The fake brick texturing have been placed in the decade I have last visited the inside of this station.

While we can see the service personnel of the station are busy with their daily duties, we were observing the surroundings via sketching. There were 18 of us for this session, 5 of which were first time sketchers with us namely, Cheenee Buenaventura, Jose, Ruben, Mikaela and Romina.



Tree shades are great places for sitting down for the sketch session

Daughter and mother sketch act - Mika and Romina
Manue, Cheddie, and Cheenee

Nadja and Manuel 

Meg, Nice, Cheddie, Cheenee

Comicbook illustrator extraordinaire, Randy 


The morning's sketch results


Happy with the morning's sketch walk 

We then had a lunch break after ending the morning session with pictures of our works and our usual group shot. The afternoon session was then focused on the Paco Park, which is opposite of the fire station across the street.

The Paco mortuary chapel, usually for weddings nowadays

Randy finishing a painting of the chapel

Manuel drawing with stick and paint

The afternoon's sketch results

Ruben, moi, Manuel, Lerron, Burt, Randy and Nadja
We ended at 4 pm with eating at a fastfood joint.

Next month's sketch walk will be drawing the skyline of our city - Details to follow soon.